TVNHS, Nagsagawa ng Parents’ Orientation 

– Regine C. Reforma

Kasalukuyang nagsasagawa ng Parents’ Orientation ang mataas na paaralan ng Tropical Village ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 27, taong kasalukuyan upang maipaliwanag sa mga magulang ang mga ilang bagay tungkol sa ilulunsad na Proyektong Intervention para sa pagbasa at pagbilang.

Pinangunahan ni G. Mark Airon P. Creus, Principal IV, katuwang sina Gng. Jenilyn S. Loyola, Master Teacher I at Bb. Arlyn F. Pasa, Teacher II, Numeracy Enrichment Project Proponents, Gng. Jane C. Dacaymat, Teacher II at Bb. Jennibeth V. Ilagan, Teacher III, Reading Enrichment Project Proponents at Gng. Emely Castro, Teacher I, Filipino Reading Enrichment Project Proponent ang pagpaplano ng gawaing ito. 

Samantala, Ipinaliwanag ni Gng. Loyola sa mga magulang na dumalo sa pagtitipon na ito ang programa at mga proyektong ilulunsad ng paaralan upang mabawasan ang mga batang nahihirapan sa pagbabasa sa English at Filipino subjects at pati na rin sa pagkwenta o sa four fundamental skills sa asignaturang Math.

Samantala, nagbigay din ng reaksyon at mensahe ang ilan sa mga magulang na dumalo.

Please follow and like us:
fb-share-icon0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social Share Buttons and Icons powered by Ultimatelysocial