Matagumpay na naisagawa ang 1st Quarter SMEA o School Monitoring, Evaluation and Adjustment para sa taong panuruan 2022-2023 noong September 22, 2022. Ito ay nakaangkla sa DepeEd Order No. 44 at Division Memorandum No. 461, s 2020.
Pinangunahan ni Dr. Mark Airon P. Creus, Principal IV at ni Gng. Jenilyn S. Loyola, SMEA Coordinator at Master Teacher I, ang pagsasagawa nito para sa maayos na panimula ng taong panuruan sa Tropical Village National High School. Ang SMEA ay dinaluhan ng mga piling guro at Coordinators ng paaralan kasama ang School PTA President na si Mrs. Analyn Logon.
Ilan sa mga bagay na napag-usapan ay ang mga sumusunod; School Dashboard, Reading and Numeracy Assessment sa asignaturang English, Filipino, at Mathematics, Least-mastered competencies sa lahat ng asignatura simula baitang 7 hanggang 10 at marami pang iba.
Nagbigay ng kaukulang komento, suhestiyon at technical assistance si Sir Mark Airon Creus at iba pang mga guro na kalahok para sa ika-aayos at ikauunlad ng mga interventions na gagawin ng paaralan para sa mga mag-aaral.