Umarangkada na ang face to face classes sa Tropical Village National High School noong ika-22 ng Agosto taong kasalukuyan. Ito ay alinsunod sa mandato ng DepEd Order No. 34, series of 2022 na nilagdaan ng Bise-Presidente at Kalihim ng Departamento ng Edukasyon na si Sarah Z. Duterte na naging batayan ng mga eskwelahan sa buong bansa ng pagbubukas ng mga paaralan.
Nagpahayag ng magkakaibang reaksyon simula sa guro, magulang, at estudyante, sa nabanggit na paaralan. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon…
Para pala sa mga gusto pang magpatala…hinihikayat ng pamunuan ng paaralan na magpunta na at magpa-enroll, simula sa mga incoming grade 7 hanggang grade 10. Mayroon na rin sila ditong ALS o Alternative Learning System para sa mga OSY o Out of School Youth.