Matagumpay na nagsagawa ng monitoring sina G. Eugene Ray F. Santos, Regional Office English Supervisor kasama si Bb. Ma. Glecita Columna, SDO General Trias Education Program Supervisor in English, sa Tropical Village National High School noong ika-25 ng Agosto, 2022 upang magbigay ng technical assistance.
Samantala, bumisita rin si Dr. Doris DJ. Estalilla, Schools Division Superintendent upang mag monitor at mangumusta sa mga mag-aaral dito. Isa rin sa binigyang pansin niya ay ang mga ilang mahahalagang bagay katulad ng status ng learners, school facilities at imprastraktura para sa pagpaplano at rekomendasyon para sa posibleng interbensyon.
Nagsagawa rin ng monitoring ang Education Program Supervisor ng Araling Panlipunan at Madrasah Coordinator na si Dr. Yolanda Lumanog na nagbigay ng kaukulang technical assistance hinggil sa Arabic Language at Islamic Values na karagdagang asignatura para sa mga Muslim na mag-aaral.
Kabilang din sa mga nagpunta ay ang EPS ng Edukasyon sa Pagpapakatao na si Dr. Rizal M. Vidallo, na nagbigay ng kaukulang gabay upang maisaayos ng mga guro sa nasabing asignatura ang paghahanda ng (WLP) o Weekly Learning Plan at kung paano isinasagawa ang iba’t’ ibang programa at aktibidad sa asignatura sa kasalukuyang panuruan.
Gayundin, ang EPS ng Learning Resources na si Gng. Ma. Criscel R. Negosa kasama si G. Rogin O. Contemprato, PSDS ng Cluster 10, upang magbigay ng technical assistance at suporta sa Learning Resource Center ng paaralan.
Hindi rin nagpahuli ang mga Education Program Specialist ng ALS o Alternative Learning System na sina Bb. Rosella Arellano at Bb. Marilyn Limpiada sa pagbibigay ng mungkahi at suhestiyon para sa mga programa sa ilalim ng ALS.
Nagpapasalamat ang mga guro ng TVNHS sa patuloy na pagbibigay ng technical assistance ng mga kawani ng sangay ng lungsod ng Heneral Trias at rehiyon ng CALABARZON.