Nagsimula na ngang mamahagi ang pamahalaang lungsod ng Heneral Trias ng mga bags at school supplies sa pamumuno ni 6th district Congressman, Antonio “Ony” A. Ferrer”, City Mayor Luis ‘Jon-Jon” A. Ferrer IV katuwang si City Vice-Mayor Jonas Glyn P. Labuguen, Board Member Maurito C. Sison, Board Member Kerby Salazar, kasama ang lahat ng mga konsehal ng lungsod sa pakikipagtulungan ng SDO General Trias sa pangunguna ni Schools Division Superintendent, Dr. Doris DJ. Estalilla.
Samantala, ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 12, 2022, isa ang mataas na paaralan ng Tropical Village National sa mga mapalad na paaralan na makakatanggap nito.
Isa nga ang mataas na paaralan ng Tropical Village National sa mga mapalad na paaralan na makakatanggap ng mga school supplies. Pinangunahan ni Hon. Maurito “Morit” Sison, Board Member ng 6th District ng Cavite, ang pamamahagi ng mga school supplies para sa mga mag-aaral ng Tropical Village National High School.
Ipinamahagi ang mga nasabing kagamitan sa mga mag-aaral ng TVNHS upang magamit nila sa kanilang mga pang-araw araw na gawain o mga activities lalo at ngayon ang ating paaralan ay nagpapatupad ng 5-day in-person classes.
Laking pasasalamat naman ng mga batang nabigyan ng bag at school supplies dahil may karagdagang gamit na sila sa kanilang pag-aaral…Narito ang ilan sa kanilang mga mensahe.
Ang pamamahagi ng mga school supplies ay isa lamang sa mga programa ng lungsod ng General Trias para sa mga mag-aaral upang paigtingin ang dekalidad na edukasyon sa nasabing lungsod.