Pinarangalan ang mga nanalong mag-aaral sa iba’t ibang patimpalak sa Filipino noong Setyembre 12, 2022, bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Pinangunahan ni G. Mark Airon P. Creus, Punongguro IV, kasama si G. Patricio H. Cruzada, Ulong-guro III, at mga guro sa departamento ng Filipino ang nasabing paggawad ng parangal.
Pagsulat ng sanaysay, interpretatibong pagbasa, Pinoy face maskara ay ilan lamang sa mga aktibidad na isinagawa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”.
Please follow and like us: