TULONG TEKNIKAL PARA SA MGA GURO SA FILIPINO MULING IBINAHAGI NG EPS AT PSDS NG GEN. TRIAS

– Marivic S. Olanda

Muling bumisita ang EPS ng Filipino na si G. Arnaldo O. Estareja kasama ang PSDS ng Kluster 10 na si G. Rogin O. Contemprado sa Mataas na Paaraalan ng Tropical Village para magbigay ng teknikal na pagtulong sa mga guro sa Filipino tungkol sa Proyekto S.I.KA.P (Sama-samang Itaguyod Kasanayan sa Pagbasa) nitong Nobyembre 23, 2022.

Tinalakay niya sa kanyang pagbisita ang iba’t ibang estratehiya at kagamitan na maaring gamitin ng mga guro sa pagpapalawig ng proyektong S.I.KA.P. Inilatag din sa nasabing pagpupulong ang mga tseklist na maaring gamitin gabay sa mga batang nagsasagawa ng interbensyon.

Nagbigay din ng karagdagang ideya ang PSDS ng Kluster B na si G. Rogin E. Contemprado tungkol sa pagpapaunlad ng pagbasa na imakakatulong ng malaki sa mga batang bahagi ng 3R’s. Inilahad din niya na ang mga lunsarang teksto na na maaring iadapt ng paaralan mula sa ibang mga proyekto ng dibisyon na may kinalaman sa pagbasa.

Bukod sa proyektong S.I.KA.P ay binigyang diin din sa nasabing pagbisita ang iba’t ibang gawain para sa araling Filipino katulad ng LOA, paggawa ng markahang pagsusulit, suring basa at pananaliksik. Gayundin hinikayat niya ang mga guro na bigyang pansin at pahalagahan ang mga awput ng mga mag-aaral upang malinang ang kanilang mga kakayahan .

Please follow and like us:
fb-share-icon0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social Share Buttons and Icons powered by Ultimatelysocial