Libreng Bakuna Kontra-Tigdas Isinagawa sa TVNHS

– Marivic S. Olanda

Nagdaos ng libreng bakuna kontra -tigdas ang mga kawani na kalusugan sa Mataas na Paaralan ng Tropical Village kung saan siyamnapung mag-aaral na may edad 12 hanggang 13 ang nabakunahan. Ang nasabing pagbabakuna ay naganap noong Disyembre 9, 2022.

Ito ay pinangunahan ng Department of Health katuwang ang City Health Officers na sina Gng. Aileen S. Manalo at Gng. Ma. Teresa Tabujara, city nurse at Gng. Liberty Lacson, city midwife. Kasama din ang mga barangay health workers na sina Gng. Rosalie Lacson, Gng. Alma Mendez at Gng. Creselda Parilla.

Ang tigdas ay isang sakit na lubhang nakakahawa dulot ng measles virus.

Ang sakit na ito ay maaring magdulot ng mga kumplikasyon katulad ng pneumonia, ear infection (otitis media) at conjunctivitis, pagtatae, pamamaga ng utak (encephalitis) at iba pang kumplikasyon kagaya ng malnutrisyon at kamatayan (DOH).

Ang pagbabakunang ito ay bahagi ng DepEd memo no. 128 series 2016 kung saan katuwang ng Department of Health ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagpapatupad ng School -Based Immunization Program na naglalayong bigyan ng karagdagan proteksyon(booster) ang mga mag-aaral na nasa edad 12-13 laban sa mga sakit na Tigdas (Measles Rubella), Tetano(Tetanus) at Dipterya (Diphtheria).

Please follow and like us:
fb-share-icon0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social Share Buttons and Icons powered by Ultimatelysocial