Ipinamahagi ng City Government ng General Trias sa pamumuno ni City Mayor Luis “Jon- Jon A. Ferrer IV,katuwang si Congressman Antonio A. Ferrer, Vice Mayor Jonas Glynn P. Labuguen at lahat ng City Councilors ng Lungsod ang mga C.A.D.A.C. Vehicles na makakatulong sa isinusulong ng siyudad na kampanya laban sa droga.
Kasalukuyang isinasagawa ang Vehicle Turn Over Ceremony dito sa General Trias City Park ngayong araw ng Lunes, ika-20 ng Pebrero taong kasalukuyan.
Ang seremonyang ito ay dinaluhan ng mga personalidad na nabanggit at Top management ng SDO General Trias na pinangungunahan ni SDS Dr. Doris DJ. Estalilla, CESO VI, lahat ng Public Schools District Supervisors, at lahat ng mga School Head dito sa Lungsod.
At kasama nga sa mga dumalo ang Punong guro ng Mataas na Paaralan ng Tropical Village na si Dr. Mark Airon P. Creus, Principal IV.