Isinagawa ang kauna-unahang pagpupulong ng pamunuan ng Mataas na Paaralan ng Tropical Village kasama ang School Governance Council noong ika-27 ng Enero taong kasalukuyan.
Pinangunahan ni Dr. Mark Airon P. Creus, Principal IV ang pagpupulong na ito at kanyang ipinaliwanag ang kasalukuyang estado ng paaralan at ang magiging “role and responsibility” ng bawat isa upang maisagawa ang mga plano, proyekto sa hinaharap.
Ang pagtatag ng nasabing SGC ay nakaangkla sa Republic Act (RA) No. 9155 o ang tinatawag na Governance of Basic Education Act of 2001 na naglalayong kilalanin at paigtingin ang pagkakaroon ng external stakeholders at katuwang ang Local Government Unit o LGU bilang kapartner ng paaralan sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon para sa mga Batang Tropicalian.
Samantala, nagpahayag ng suporta si Brgy. Chairman Eduardo Umali, Punong-barangay ng San Francisco, sa mga gagawing programa, aktibidad, at proyekto ng paaralan para sa ikauunlad nito at ng mga mag-aaral.
Dumalo at nagpakita naman ng suporta sina G. Alberto Añano, Tropical Village HOA President, G. Rhenie Hassan, Muslim Representative, Gng. Luisa Taclay, PWD Representative, Gng. Renalyn Logon, SPTA President, G. Nestor Cuyos, Tropical Village Basketball League President, Gng. Fely Almodovar, NKGT-Hiyas President, Gng. Lina M. Potante, TVNHS Faculty Club President at Bb. Jessica Peñaflor, TVNHS SSG President.