Bilang pagtalima sa Proklamasyon Blg.1041, s. 1097, ang Mataas na Paaralan ng Tropical Village ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023 na may temang “Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”.
Ang nasabing pagdiriwang ay pinamunuan ng punongguro IV na si Dr. Mark Airon P. Creus katuwang ang mga guro ng Filipino. Isa sa panimulang gawain sa nasabing pagdiriwang ay ang pagsasagawa ng iba’t ibang laro na may kinalaman sa wikang Filipino tulad ng “HANAP SALITA,”BAYBAY SALITA” (Babayin MO: Salita KO) (Lobo ng mga Salita ,
Baybayin Ko) ( Pangalan KO : Baybayin MO) at LAKBAY SALITA (Bugtong-Bugtong Sagutin ang Tanong ), (Awit Ko Dugtungan Mo),(Larawan Ko Buuin Mo),(IIsahin Mo: Isusulat Ko),(Iakting Mo: Tukuyin Ko)kung saan ang mga 75 mag-aaral ng NLC Interbensyon ang unang piniling lumahok sa nasabing gawain. Sila ay hinati sa limang pangkat at kailangan mag-unahan upang madeklarang panalo sa bawat laro.
Ilan pa sa mga inaasahang gawain na ipapatupad para sa pagdiriwang na ito ay ang pagsulat ng sanaysay, poster making, pagsulat at pagbigkas ng tula, komentaryong blog at ang malikhaing pagbasa. Inaasahan na hindi lang mag-aaral ng NLC ang makikiisa kundi lahat ng mag-aaral mula sa baitang 7 hanggang 10. Ang pagdiriwang na ito ay magtatapos sa ika – 31 ng Agosto kung saan isang pampinid na programa ang idadaos .
“