Sa pagpapatuloy ng school to shool partnership ng Catch Up Together ng Catch -Up Friday,kahapon Mayo 03, 2024 ay dumayo ang mga piling mag-aaral ng Tropical Village Elementary School sa TVNHS para sa pagpapaunlad ng kasanayan at kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral.
Nagsimula ang gawain sa pambungad na pananalita ng Pansamantalang Ulongguro ng Filipino na si Gng. Emely B. Castro na sinundan ng pre – assessment activity na tinatawag na “Pares Larawan”.
Ipinaliwanag din ni Gng. Castro ang mekaniks ng laro para sa “TALAS-SALITAAN” katulad ng pagbunot ng salita sa kahon, pagpapaikot ng roleta gayundin ang paghahanap ng kasingkahullugan o kasalungat nito sa mga banig ng salita.
Hinati ng mga ilang guro sa Filipino sa dalawang grupo ang mga piling mag-aaral . Sa ginawang pre – assessment ay ikalawang pangkat ang nagwagi kaya sila ang nabigyan ng pagkakataon na unang bumunot at maghanap ng kasingkahulugan at kasalungat sa banig ng salita. Sa katapusan ng laro ay itinanghal na panalo ang pangkat 1 dahil sa dami ng chips na kanilang nakuha. Sinundan naman ito ng isa pang laro na tinatawag na “Jack en Poy” kung saan pagalingan at pabilisan sa pag-iisip ng salita na nagtatapos sa bawat pantig na ibinigay ng mga manlalaro. Sa katapusan ng laro ay itinanghal na panalo ang pangkat 2.
Sa pangunguna ni Gng. Mylene R. Sarmiento isang post assessment ang ibinigay, kung saan ipinasulat sa isang malinis na papel ang mga salitang may magkakasingkahulugan at magkakasalungat na kahulugan na kanilang natutunan
Sa pagtatapos ng gawain ay isa – isang ibinigay ang mga chips at premyo na kanilang nakuha kasabay ng mga pagkain na inihanda para sa kanila.