Mas pinalawak pa ng Mataas na Paaralan ng Tropical Village ang Catch up Together dito sa Mababang Paaralan ng Tapia ngayong araw ng Biyernes, ika-15 ng Marso taong kasalukuyan.
Pinangunahan ni Dr. Mark Airon P. Creus, Principal IV, katuwang si Gng. Susan C. Sibulo, Head Teacher I at lahat ng mga English Teachers. Layon ng aktibidad na ito na matulungan ang mga piling mag-aaral na nasa baitang 5 at 6 na mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagbasa at pagbilang.
Samantala, makikita natin ngayon sa ating background ang opening ng nasabing aktibidad dito sa nabanggit na paaralan. Sa kabuuan, naging matagumpay ang pagsisimula ng Catch up Together dito sa Mababang Paaralan ng Tapia.
Please follow and like us: