City Government ng General Trias, namahagi ng school supplies

City Government ng General Trias, namahagi ng mga school supplies sa mga batang Tropicalian

Nagsimula na ngang mamahagi ang pamahalaang lungsod ng Heneral Trias ng mga school supplies sa pamumuno ni City Mayor Luis ‘Jon-Jon” A.  Ferrer IV, 6th district Congressman, Antonio “Ony” A. Ferrer”, katuwang si  City Vice-Mayor Jonas Glyn P. Labuguen, kasama ang lahat ng mga konsehal ng lungsod sa pakikipagtulungan ng SDO General Trias sa pangunguna ni Schools Division Superintendent, Daisy Z. Miranda ngayong araw ng huwebes, November 21, 2024. Pinangunahan nila Kgg. Martin Ferrer, Kgg. Atty. Kristine Perdito, Kgg. Isagani Culanding at Kgg. Kyle Salazar, na kinatawan ng pamahalaang panglungsod ang pamamahagi ng mga nabanggit na supplies sa mga mag-aaral ng Mataas na paaralan ng Tropical Village.Samantala, narito po at ating hingan ng mensahe si Kgg. Martin Ferrer. Kumusta po ang inyong pamamahagi ng mga bags at school supplies? Ano po ang mensahe niyo sa mga kabataang Gentriseño lalong lalo na po sa mga kabataang Tropicalian?

Laking pasasalamat naman ng mga batang nabigyan ng school supplies dahil may karagdagang gamit na sila sa kanilang pag-aaral

Ang pamamahagi ng mga school supplies ay isa lamang sa mga programa ng lungsod ng General Trias para sa mga mag-aaral upang paigtingin ang dekalidad na edukasyon sa nasabing lungsod.

At yan ang aming nakalap na impormasyon, ako si Julianna Diocton para sa Balitang Tropicalian.

Please follow and like us:
fb-share-icon0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social Share Buttons and Icons powered by Ultimatelysocial