– Marivic Olanda
Bilang bahagi ng pagpapaunlad ng Inclusive Education Program isang dibisyong pagsasanay ang pinatupad ng School Division of General Trias para sa mga mag-aaral na Muslim. Ito ay ang Division Training Workshop on the Development of Assessment Tools in Teaching A.L.I.V.E. (Arabic Language and Islamic Values Education) na ginanap sa Fynn Boutique Hotel, Bacoor City nitong nakaraang Pebrero 2 hanggang 3. 2023.
Ang pagsasanay na ito ay dinaluhan ng mga piling guro ng Inclusive Education na pinangunahan nang punongguro IV na si Dr. Mark Airon P. Creus. Iba’t ibang paksa na may kinalaman sa pagpapaunlad ng Madrassah Education Curriculum ang binigyang diin ng mga tagapagsalita. Inilatag din sa nasabing pagsasanay ang mga pagpapaunlad ng assessment tools na maaring gamitin sa pagtuturo ng ALIVE classes (Arabic Language and Islamic Values Education).
Ang seminar workshop na ito ay alinsunod sa Deped Order No. 41 s.2021 na naglalayong mabigyan ng angkop at kaukulang oportunidad ang mga mag-aaral na Muslim habang kinikilala ang kanilang kontekstong kultura na nakasaad sa Deped Order no. 12 s. 2020 Basic Education Continuity Plan (BE-LCP).