TVNHS Covered Court, Mas pinapatibay pa!

Sa kasalukuyan, mas pinapatibay at pinapaganda ang Covered Court ng Mataas na Paaralan ng Tropical Village na pinundohan ng Department of Public Works and Highways o DPWH na galing sa Local Infrastructure Project ng 2022 na parte ng National Budget sa inisyatibo na rin nina Hon. Mayor Luis Jon-Jon A. Ferrer IV, Vice Mayor Jonas Labuguen at lahat ng konsehal ng Lungsod ng General Trias.

At ngayong araw ng Huwebes, ika-5 ng Enero taong kasalukuyan, bumisita at nagsagawa ng inspeksyon ang ilan sa mga kawani ng DPWH sa pangunguna ni Ms. Sherrymay Fruelda, Project Inspector Engineer II kasama niya sa nag-inspekyon sina Project Engineer Reynante Salazar at Engineer Sherwin.

Samantala, nag-inspeksyon ang mga engineers kasama si Ginoong Patricio H. Cruzada, Head Teacher III ng paaralan at Officer-in-Charge, upang masiguro na maayos at naaayon sa plano ang itinatayong covered court.

Ang covered court na ito ay may humigit kumulang 11 taon ng naitayo sa panahon pa ng dating punong guro na si Gng. PAulita G. Zafra na sa ngayon nga ay ginagawa na at mas pinapaganda pa.

Please follow and like us:
fb-share-icon0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social Share Buttons and Icons powered by Ultimatelysocial