Nagsagawa ng orientation sa mga mag-aaral at magulang na Muslim para sa pagpapatupad ng MADRASAH Education sa paaralan ngayong araw ng Biyernes, October 7, 2022.
Layon ng nasabing orientation ang talakayin ang ilan sa mga usapin katulad ng Policy Guidelines na nakasaad sa DEPED ORDER NO. 041 S. 2017, palakasin at mapanatili ang pakikipagtulungan sa mga Magulang na Muslim at komunidad; at itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa edukasyon anuman ang pagkakaiba-iba sa estado ng relihiyon, paniniwala, at tradisyon.
Samantala, dumalo sa nasabing pagpupulong si Dr. Yolanda Lumanog, EPS ng AP at SDO General Trias City ALIVE Coordinator, narito po at ating hingan ng mensahe ang ating Division ALIVE Coordinator.
Ang mataas na paaralan ng Tropical Village ay ang nag-iisang paaralan sa sekondarya na nagpapatupad ng MADRASAH Education Program sa lungsod ng General Trias.