Kasalukuyang nagaganap ang On-site Covid-19 bakunahan sa Tropical Village National High School na nagsimula ng alas-niebe ng umaga September 22, 2022.
Dumayo sa paaralan ang City Health Officers sa pangunguna ni Dr. Jonathan Luseco, City Health Officer II, upang personal na magsagawa ng pagbabakuna sa mga hindi pa nababakunahan at sa mga wala pang booster shots.
Ang resbakuna ay isa sa mga programang inilatag ng lokal na pamahalaan ng general trias sa pamumuno ni Kagalang-galang, City Mayor Luis “Jon-Jon”, Ferrer IV katuwang ang Bise Alkalde na si Kgg. Jonas Glyn Labuguen at lahat ng City Councilors…
Bukas para sa lahat ang nasabing pagbabakuna simula sa mga mag-aaral, guro, kamag-anak o maging residente dito sa palibot ng paaralan.
Samantala, malaki ang pasasalamat ng mga nakapagpabakuna dahil hindi na nila kailangan pang pumila, sumakay at mamasahe pa. Narito ang ilan sa kanila.