Urban Gardening Seminar sa TVNHS, Isinagawa

Mr. Rogel R. Marges, City Agricultural Technologist, City of General Trias

Isinagawa ng Mataas na Paaralan ng Tropical Village ang Urban Gardening Seminar noong Mayo 17, 2023.

Ang Urban Gardening Seminar na pinangunahan ni Dr. Mark Airon P. Creus, Principal IV, katuwang ang TLE Department sa pamumuno ni Bb. Regine Reforma, OIC head ng TLE Department at ilang mga guro. ay isinagawa upang mas paigtingin ang Gulayan sa Paaralan.

Lumahok ang mga piling mag-aaral na may kakayahan na mag pabuhay ng mga tanim, mula baitang 7-10.

Tinalakay ni Mr. Rogel R. Marges, City Agricultural Technologist ang tamang proseso sa pagaalaga ng mga tanim. Ipinaliwanag din niya ang kahalagaan ng pag tatanim sa sariling tahanan ganoon din sa paaralan.

Ayon kay Rose Merrylyn Ocenar, isang grade 8 student “Masaya po ako dahil natutunan ko po kung paano mag tanim at mag-alaga ng mga halaman, at isa rin na natutunan ko na ang pagtatanim ay may malaking tulong sa ating mundo Lalo na sa climate change.”

Bago matapos ang programa, namahagi rin ng mga garden tools at mga seedlings ang SK San Francisco sa pangunguna ni Ms. Jaycel Mendoza, SK President.

Naging matagumpay ang nasabing proyekto dahil sa pakikiisa ng mga mag-aaral sa programa, maging ang mga Guro.

Ang naturang seminar ay alinsunod sa adhikain ng DepEd na mapaigiting at mapalakas ang Gulayan sa Paaralan.

– Rhian Macanip

Sir Jofit Dayoc, Supervisor ng TLE, Nagbahagi ng Mensahe
Nagbigay ng mensahe ang Education Program Supervisor ng TLE, Mr. Jofit Dayoc sa mga kalahok ng seminar. Sa kanyang mensahe ibinahagi niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng urban gardening sa bawat paaralan.
Please follow and like us:
fb-share-icon0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social Share Buttons and Icons powered by Ultimatelysocial