Filipino EPS Nagbigay ng Tulong Teknikal

– Marivic S. Olanda

Upang magbigay ng teknikal na tulong sa mga guro sa Filipino , bumisita sa Mataas na Paaralan ng Tropical Village ang EPS ng Filipino na si G. Arnaldo Estareja, ngayong araw, Oktubre 17.

Siya ay nagbigay ng mga suhestiyon para sa kanilang pagpaplano ng proyekto na tutugon sa mga problemang kinahaharap ng mga mag-aaral sa pagbasa sa Mataas na Paaralan ng Tropical Village.

Ayon kay Dr. Mark Airon P. Creus punongguro IV, ang proyektong isasagawa ay isang hakbangin ng paaralan upang malutas ang mga suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral batay sa literacy assessment na ibinigay ng mga guro sa Filipino.

Ang gawaing ito ay alinsunod sa Deped Memo No.173, s 2019 Hamon: Bawat Bata Bumabasa(3Bs Initiative) na naglalayon na bawat mag-aaral ay mapaunlad ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Please follow and like us:
fb-share-icon0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social Share Buttons and Icons powered by Ultimatelysocial