URC-USAID through LGU General Trias City Holds Free X-ray Examination

Dito sa covered court ng Mataas na Paaralan ng Tropical Village ginagawa ang libreng xray na hatid ng University Research Company URC USAID sa pakikipagtulungan ng City Health Office ng General Trias City.

Ang programang ito ay naging posible dahil sa inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Gen. Trias sa tulong ng Regional Office IV-A sa Pamumuno ni Gng. Erma Libao, Provincial Coordinator ng US Aid TB Platforms for Sustainable Detection, Care and Treatment University Research Company.

Ikinatuwa ito ng mga mag-aaral dito sa TVNHS kaya naman humigit kumulang sa dalawang daan mula sa baitang 9 at 10 ang nagpalista na magpapa-xray ngayong araw ng Biyernes, ika-20 ng Oktubre taong kasalukuyan.

Lubos na nagpapasalamat ang Pamunuan ng Paaralan sa URC US Aid, Regional Office IV-A CALABARZON sa Pamumuno ni Gng. Erma Libao, Provincial Coordinator, LGU Gen. Trias City sa pangunguna ni Mayor Jon-Jon Ferrer IV, Vice Mayor Jonas Labuguen, City Health Office sa tulong ni Gng. Neldy Cervantes, City NTP Coordinator, Division ng Gen. Trias City, sa pangunguna ni SDS Daisy Z. Miranda at maging ang pamunuan ng TVHOA.

Please follow and like us:
fb-share-icon0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social Share Buttons and Icons powered by Ultimatelysocial