– Marivic Olanda
Isinagawa ang paglulunsad ng orientasyon para sa proyektong SIKAP (Sama-samang Itaguyod Kasanayang Pagbasa) sa pangunguna ng gurong tagapag-ugnay sa pagbasa sa Filipino na si Gng. Emely B. Castro, kahapon, Oktubre 26.
Inilahad sa orientasyon ang iba’t -ibang layunin, tungkulin at responsibilidad ng mga gurong tagapagsanay.
Ibinahagi rin dito ang balangkas ng programa, mga iba’t -ibang gawain at mga detalye ng mga ulat ng pag-unlad na kailangan gawain ng mga gurong tagapagsanay sa pagbasa.
Binigyan diin din sa nasabing orientasyon ang mga kagamitang gagamitin sa pagsasanay gayundin ang mga itinakdang oras para sa pagpapabasa
Ang pagpupulong na ito ay isinagawa bilang bahagi ng paghahanda ng mga piling guro sa pagbasa para sa implementasyon ng proyekto sa darating na Nobyembre 2.
Ang proyektong SIKAP ( Sama-samang ITaguyod Kasanayang Pagbasa) ay isang proyektong binuo alinsunod sa DM No. 173, s. 2019 known as 3Bs: Bawat Bata Bumabasa at SDO’s intervention project, 3Rs: Gentri SINuLiD na naglalayon na bawat mag-aaral ay mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa.