Pagkatapos magcatch up together ng mga guro ng English at Math, kahapon Abril 19, 2024 ay dumayo naman ang mga guro ng Filipino ng Mataas na Paaralan ng Tropical Village sa Mababang Paaralan ng Tropical Village para sa school to school partnership ng Catch Up Together ng Catch up Friday.
Nagsimula ang gawain sa pambungad na pananalita ng Pansamantalang Ulongguro ng Filipino na si Gng. Emely B. Castro na sinundan ng larong “Trip to Jerusalem” bilang panimulang gawain.
Isang malikhaing pagkukuwento naman ng akdang “ Upuan” ang ginawa ni Gng. Jackelyn O. Elgario guro sa Filipino. Sinundan ito ng pagbabahagi ng mekaniks ng larong “Pinoy Snake and Ladder na pinangunahan ni Gng. Mylene R. Sarmiento.
Hinati ng mga ilang guro sa Filipino sa dalawang grupo ang mga piling mag-aaral at pinapila na sila para sa pagsisimula ng laro. Ang mga katanungang ibinigay ay mula sa akdang kanilang pinakinggan kung saan sa simula ay kitang kita ang kaba ng mga bata ngunit sa kalaunan ay namuo na ang kasiyahan sa pagsagot ng tanong at sa pagbato ng malaking dice. Sa huli ng laban ay itinanghal na panalo ang mga mag-aaral sa ikalawang pangkat.
Sa pangunguna ni Gng. Marivic S. Olanda isang post assessment ang ibinigay kung saan ipinasulat sa mga isang malinis na papel ang mga aral na kanilang natutunan mula sa akdang kanilang napakinngan.
Sa pagtatapos ng gawain ay isa isang ibinigay ang mga chips at premyo na kanilang nakuha kasabay ng mga pagkain na inihanda para sa kanila.