– Marivic S. Olanda
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pagbasa nagsagawa ang departamento ng Filipino ng isang aktibiti na tinawag na padyama parti kung saan isang misteryosong tagapagkuwento ang kanilang inanyayahan para magbahagi ng isang istorya sa mga piling mag-aaral ng baitang pito. Ito ay alinsunod sa isa sa mga gawain ng proyektong S.I.KA.P (Sama-samang Pagtaguyod Kasanayan sa Pagbasa)
Ang nasabing programa ay pinangunahan ng pansamantalang ulong-guro sa Filipino na si Gng. Emely B. Castro sa tulong at gabay ng punongguro IV na si Dr. Mark Airon P. Creus.
Ito ay ginanap sa dalawang magkasunod na Biyernes kung saan sina G. Reydentor Jr. Panganiban, guro sa ESP at Gng. Jenilyn S. Loyola, guro sa Matematika ang naatasan maging gurong tagapagkuwento. Ang mga mag-aaral ay masaya at matamang nakikinig sa kanila. Aktibo rin silang nakilahok sa pagsagot sa mga katanungan may kinalaman sa akda.
Ang nasabing gawain ay alinsunod sa DepEd Memo No. 389, Series 2022 Pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pagbasa kung saan ang pangunahing layunin ay itaguyod ang pagmamahal sa pagbasa at palalimin ang kritikal na pag-unawa sa mga akdang binabasa ng mga mag-aaral.