– Marivic S. Olanda
Kahapon ika – 3 ng Oktubre 2022 ay ipinatupad na ang limang (5) araw na in – person classes sa Tropical Village National High School sa pangunguna ng punongguro IV na si Dr. Mark Airon P. Creus . Ito ay alinsunod sa DepEd order 34 series 2022 na nilagdaan ng Pangalawang Pangulo at Kalihim ng DepEd na si Sarah Duterte Carpio.
Ayon kay Dr. Creus, ito ay maagang ipinatupad upang maihanda ang mga mag-aaral sa mga gagawing remedial classes sa mga piling mag-aaral na nagangailangan ng literacy at numeracy assessment na gagawin sa paaralan.
Maraming magulang at mag-aaral ang nagalak sa implementasyon ito at nangakong patuloy na makikiisa at susuporta sa iba’t – iba pang mga gawaing pampaaralan.