Isinulong ang ALIVE Classes bilang isang elective subject para sa mga mag-aaral na hindi Muslim at Arabic Emergent Reading And Culture Awareness o AERCA para naman sa mga guro dito sa Mataas na Paaralan ng Tropical Village upang pahusayin ang kanilang kasanayan sa wikang Arabic at kamalayan sa kultura na sinimulan ngayong araw ng Miyerkules, ika-1 ng Marso at tatagal ito hanggang ika-1 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Ito ay isinasagawa upang bumuo ng malalim na pag-unawa sa mga kultura, tradisyon, gawi, at paniniwala ng mga Muslim upang itaguyod ang paggalang, pagsasama, at mapayapang co-existence sa Non-Muslim Learners.
Pinangunahan ni Dr. Mark Airon P. Creus, Principal IV katuwang ang mga Project Proponents na sina G. Jaymark C. Doca, School Madrasah Education Program Coordinator at Bb. Regine C. Reforma, OIC Department Head in TLE na isinasagawa tuwing araw ng Miyerkules para sa ALIVE at Huwebes para sa AERCA.
Ang mga kalahok sa ALIVE Classes na ito ay binubuo ng tatlumpo’t walong mag-aaral mula sa Baitang 9 at animnapu’t anim na guro na hinati sa 2 sessions – pang-umaga at panghapon na session.